FIBA WORLD CUP QUALIFIERS | Gilas Pilipinas, paghahandaan na ang team ng Australia

Manila, Philippines – Paghahandaan na ngayon pa lamang ni Gilas Pilipinas Head Coach Chot Reyes ang nalalapit na laban kontra Australia sa Second Window ng FIBA World Cup qualifiers.

Ayon kay Reyes, malaking challenge para sa Gilas na makatapat ang Australia kung saan makakasama na dito ang ilang dati at kasalukuyang NBA players tulad nina Andrew Bogut, Ben Simmons ng Philadelphia, Patty Mills ng San Antonio, Aron Baynes ng Boston at Matthew Dellavedova ng Milwaukee.

Nabatid kasi na matatapat ang schedule ng laro ng Gilas at Australia sa break ng NBA kaya mapapalaban ng husto ang national squad.


Mapapanood ang nasabing laban sa July na gaganapin naman sa Philippine Arena.

Facebook Comments