Personal na manonood si Pangulong Rodrigo Duterte ng laban ng Gilas Pilipinas sa 2019 FIBA World Cup, ayon sa isang opisyal ng Department of Foreign Affairs (DFA) nitong Biyernes.
Sa isang press conference, sinabi ni DFA Assistant Secretary Meynardo Montealegre na susuportahan ni Duterte ang naturang koponan sa kanilang laro kontra Italy sa Agosto 31.
Magaganap ang bakbakan sa lungsod ng Foshan, probinsiya ng Guandong, kung saan sasamahan siyang manood ni Chinese Vice President Wang Qishan.
Matatandaang inihayag ni Duterte na siguradong matatalo ang team ng Pilipinas sa FIBA at mas mainam kung pupusta sa koponan ng Tsina.
(BASAHIN: Duterte: Walang laban ang Gilas kontra Italy sa FIBA, sa China na lang pumusta)
Samantala, ibinunyag ni Chief of Presidential Protocol Robert Eric na may pagpupulong na inaayos sa pagitan ni Duterte at manlalaro ng Gilas.
“That’s something that we’re working on. But what’s definite is the President, of course, wants to support Team Philippines,” ani Borje sa mga mamamahayag.
Haharapin din ng Gilas Pilipinas ang Serbia sa Setyembre 2, at Angola sa Setyembre 4.