Fidget spinner na cellphone, patok sa India!

India – Patok ngayon ang kauna-unahang fidger spiner na cellphone na inilabas ng isang Hongong Company na tinawag na ‘K118’ sa India.

Sa halagang mahigit isang libong-rupee o katumbas ng mahigit walong-daang piso lang, mabibili na ang cellphone na ito na inspired ng usong laruan ngayon ng mga mahilig mag-fidget o yung hindi mapakaling kamay.

Bukod pa sa kakaibang hugis –fidget spinner nito, mayroon din itong bluetooth service para makapagpasa sa mga smartphones.


Kaya naman sa ngayon ay usong-uso ito sa mga kabataan sa India.

Facebook Comments