MANILA – Dahil sa inaasahang labing walong milyong deboto na dadalo sa traslasyon ng itim na Nazareno sa Lunes ilalabas na rin ng Philippine National Red cross ang kanilang field hospital.Sa interview ng RMN kay PRC Chairman at Sen. Richard Gordon – aabot sa 30 katao ang maaaring maserbisyuhan ng field hospital partikular ang mga may nangangailangan ng agarang tulong medikal.Sa ngayon ay all set na ang red cross para umagapay sa mga dadalo sa pista ng itim na Nazareno.Makapreposition na ang 57 ambulansya, apat na bangka, mga rescue trucks, first aid stations at 357 volunteers ng Phil. Red Cross.Kasabay nito, nanawagan si Gordon sa mga deboto lalo na sa mga may sakit sa puso, buntis, may mga kapansanan at mga bata na huwag ng sumama sa prusisyon.Samantala, tiniyak naman ni DPWH Spokesperson Anna Mae Lamentillo na inayos na ang mga lubak, butas at manhole sa mga kalsadang dadaanan ng itim na Nazareno.
Field Hospital Ng Philippine Red Cross – Ilalabas Kasunod Ng Inaasahang Pagdagsa Ng 18-Milyong Deboto Sa Pista Ng Itim N
Facebook Comments