Field trials para sa bakuna kontra bird flu, inaasahang matatapos na sa 3rd quarter ng taon — DA

Posibleng matapos na sa third quarter ng taon ang isinasagawang field trials ng bakuna kontra avian influenza o bird flu.

Ayon kay Department of Agriculture (DA) Spokesperson at Assistant Secretary Arnel de Mesa, tuloy-tuloy ang mga isinagawang testing bago tuluyang maisagawa ang mas malawak na pagbabakuna sa mga manok.

Ani De Mesa, sakaling matapos na ang field trials, ipiprisinta ng Bureau of Animal Industry (BAI) ang resulta sa Veterinary Technical Advisory Committee.


Kapag lumusot na sa committee ay kaagad na i-i-endorso ang bakuna sa food and drug administration.

Kasunod nito, patuloy ang pakiusap ng DA sa mga nasa poultry industry ng kaunti pang panahon dahil kailangang sumunod sa mga kinakailangang proseso ang bakuna.

Nauna na kasing nananawagan ang nasa industriya ng pagmamanok na madaliin na ang pagpapalabas sa bakuna upang mapakinabangan na ito ng kanilang hanay.

Facebook Comments