Inaasahang matatapos na ngayong araw ang field validation para sa COVID-19 test kits na gawa ng UP National Institute of Health.
Ayon kay Cabinet Sec. Karlo Alexei Nograles, posibleng maisagagawa ang filed implementation ng COVID-19 test kits sa April 4 hanggang April 25.
Habang dalawampu’t anim na libong test naman ang maisasagawa gamit ito.
Sinabi pa ni Nograles na dumating na kagabi ang unang batch ng mga deliver ng personal protective equipment (PPEs).
Kaya nakikipag-ugnayan na ang Department of Health (DOH) sa Department of Transportation (DOTr) at sa Department of National Defense (DND) para maihatid ang mga ito sa mga frontliner.
Bukod sa mga PPEs, may limang-daang libong reusable at mga washable face masks din, aniya, ang ginagawa para maipamigay sa mga frontliners.