Inilunsad ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang “Fiesta Filipinas: An Online Celebration of Philippine Festivals.”
Ito ay hakbang sa pagpo-promote ng kultura ng bansa sa ilalim ng COVID-19 pandemic.
Ayon kay DFA Office of Strategic Communications and Research Acting Head Marie Yvette Banzon- Abalos, ang Fiesta Filipinas ay six-part, multi-format online event series tampok ang mga live at pre-recorded videos ng mga kapistahan.
Mula December 2020 hanggang May 2021, isang Philippine festival ang itatampok bilang paraan para ipakilala ng mga lokal ang kanilang cultural festivity sa mundo.
Kabilang sa mga itatampok na fiesta ay ang Giant Lantern Parade (December 19), kasunod ang Sinulog, Ati-Atihan at Dinagyang Festivals (January 30, 2021), Panagbenga Festival (February 27, 2021), Visita Iglesia (March 20,2021), Lami-Lamihan Festival (April 24, 2021) at Flores De Mayo o Santacruzan (May 29, 2021).
May ipapamahagi rin silang kits sa mga maswerteng partisipante mula sa iba’t ibang bahagi ng mundo, para sila ay makasali sa workshops na gaganapin sa virtual fiestas.