Fiesta, misa at prusisyon, dapat ipagbawal dahil sa tumataas na kaso ng COVID-19

40

Umapela si Senator Sherwin Gatchalian na agarang ipagbawal ang mga fiesta, prusisyon, street parades, mass gatherings at pagdaraos ng misa.

Giit ni Gatchalian, dapat itong ipatupad ng Inter-Agency Task Force (IATF) sa harap ng obserbasyon ng OCTA Research team na tumataas muli ang kaso ng COVID-19.


Bunga ito ng maraming social gatherings nitong kapaskuhan at mga superspreader events tulad ng Pista ng Itim na Nazareno.

Diin ni Gatchalian, hindi pa tapos ang laban sa COVID-19 at sa katunayan ay lalo pang tumataas ang mga nahahawaan nito kaya mainam na ipagbawal ang mga pagtitipon.

Facebook Comments