FIFA | Argentina, pasok na sa round of 16 ng 2018 FIFA World Cup

Russia – Pasok na sa round of 16 ng 2018 FIFA World Cup ang Argentina matapos ang crucial na panalo kontra football team ng Nigeria.

Nanalo ang Argentina sa score na 2-1 kung saan pumangalawa sila sa Group-D na may 4-points habang nanguna naman ang Croatia na may 9-points.

Dahil sa panalo ay makakaharap ng Argentina ang France sa Sabado kasunod nang laban ng Uruguay at Portugal at sa araw ng linggo ay maghaharap ang Spain at Russia habang ang Croatia ay makakalaban ang Denmark.


Facebook Comments