FIFA | Brazil pasok na sa last 16 ng 2018 FIFA World Cup

Russia – Tinalo ng Brazil ang Serbia, 2-0 para makuha ang top honors sa group E at makapasok sa last 16 ng 2018 FIFA World Cup sa Russia.

Kahit nawala sa laro ang central defender nila na si Marcelo halos wala pang sampung minuto sa laro dahil sa back injury, hindi naman nagpaapekto ang paboritong koponan para walisin ang mga Serb.

Umiskor sina Paulinho at Thiago Silva para ibigay ang panalo sa Brazil. May assist naman ang team captain nilang si Neymar.


Dahil sa panalo, makakaharap ng Brazil ang Mexico sa knockout stage na magsisimula sa Lunes.

Facebook Comments