FIFA | England, naitala ang high scoring game kontra Panama; Laban ng Japan at Senegal, nauwi sa tabla

Russia – Isang high scoring game ang naitala ngayon ng England sa naging laban nila kontra Panama sa 2018 FIFA World Cup.

Nanalo ang England sa score na 6-1 kung saan pasok na sila ngayon sa round of 16.

Kasalukuyan naman nasa unang pwesto ang England kasama ang Belgium sa group-G.


Samantala, nagtapos sa 2-2 draw ang laban ng Japan at Senegal sa group-H kaya at malakas ang kanilang tsansa na makapasok sa susunod na round.

Facebook Comments