FIFA | Germany, hindi makakapasok sa round of 16 matapos talunin ng South Korea

Russia – Ginulat ng South Korea ang mga football fans matapos nilang talunin ang defending champion na Germany.

Pinataob ng South Korea ang ranked number 1 na Germany sa score na 2-0 sa group-F ng 2018 FIFA World Cup.

Dahil dito, hindi na makakausad sa round of 16 ang Germany na naging panghuli sa kanilang grupo kung saan nangunguna ang Sweden na sinundan ng Mexico.


Ito ang unang pagkakataon mula noong 1938 na hindi makakapasok ang Germany sa next round ng FIFA World Cup kaya at dismayado ang kanilang mga fans.

Facebook Comments