FIFA | PH Azkals, umangat ang pwesto sa FIFA world rankings

Umangat ang puwesto ng Philippine Azkals sa FIFA World Rankings.

Mula sa 115th spot noong nakaraang buwan ng Agosto, umakyat ang Pilipinas sa 114th place ngayong Setyembre.

Nananatili namang second-best Southeast Asian football nation ang Pinoy squad, sunod sa Vietman na nasa 102nd spot.


Maliban dito, ang Pilipinas din ang 21st-best team sa Asian Football Confederation.

Matatandaan na nitong nakaraang linggo nang mauwi sa 1-1 draw ang laro ng Azkals at Bahrain para sa international friendly, na naging coaching debut ni Scott Cooper.

Facebook Comments