FIFA | Semifinals ng 2018 FIFA World Cup, all set na

Russia – All set na ang semifinals ng 2018 FIFA World Cup.

Ito ay matapos na manalo ang Croatia laban sa host team na Russia sa score na 4-3 via penalty shootout.

Una nang nanalo ang England kontra Sweden sa score na 2-0 habang hindi nakaporma ang Brazil laban sa Belgium sa score na 2-1.


Tinalo din ng France ang National Football Team ng Uruguay sa score na 2-0 para makasungkit gn pwesto sa semis.

Unang magtutuos ang France at Belgium sa July 11 habang sa July 12 naman ang bakbakan ng Croatia at England.

Facebook Comments