Russia – Isang mabilisang goal ang ipinakita ni football star Cristiano Ronaldo kaya at nagawa nilang talunin ang Morocco sa kanilang naging laban sa group B sa nagpapatuloy na FIFA World Cup.
Nabatid kasi na naipasok ni Ronaldo ang kaniyang goal sa loob lamang ng apat na minuto ng magsimula ang laro kung saan natapos ang laban sa score na 1-0.
Dahil sa panalo ay nasa unang puwesto ngayon ang Portugal sa group B.
Susunod na makakaharap ng Portugal ang Iran sa araw ng Lunes habang makakaharap ng Morocco ang Spain sa parehas din na araw.
Facebook Comments