Inalis na ng Department of Health (DOH) ang kanilang online self-assessment tool o app para malaman ang update sa Coronavirus Disease (COVID-19).
Ito ay dahil sa umano ay paglalahad ng hindi tamang ulat na posibleng magbigay sa mga tao ng ‘false sense of security’.
Sa isang panayam, sinabi ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire na ang FightCovid app ay dinebelop kasama ang mga volunteer doctors na nag-interpret ng kanilang guidelines para sa COVID-19 assessment at management.
Isa daw itong paraan para mabawasan at hindi na magtungo pa sa mga hospitals, clinics at health centers ang publiko para alamin ang sintomas at sanhi at kung paaano ang gagawin hinggil sa COVID-19.
Habang inaayos naman ang naturang app, ipinayo ni infectious disease expert Edsel Salvana na pwedeng tawagan ang DOH hotline para sa ilang katanungan.
I-dial lamang ang kanilang emergency hotlines na 02-894-COVID (02-894-26843) at 1555.
Libre ang pagtawag sa telephone hotline ng 24 oras at libre din naman sa Smart at PLDT subscribers ang 1555 hotline.