Fil-am na nahuli sa condo drug unit, iniharap sa media

Manila, Philippines – Ecstasy, cocaine, shabu at marijuana ang nakumpiska ng PDEA Special Endorcement Service sa ni-raid na condo unit na ginagamit na drug den at isang tagong drug laboratory sa Mandaluyong City.

Iniharap din sa Media ang 37-anyos na Filipino-American na drug personality na si Dennis Thieke.

Nakumpiska sa unit 2104 sa Eugenia Tower sa Tivoli Gaden na pag-aari ni Thieke ang 12 grams ng shabu na, 36 tablets at 9 capsules ng ecstasy , labintatlong botelya ng liquid ecstasy. Limang sachet ng cocaine, isang medium sized na plastic bag na may lamang pinatuyong dahon ng marijuana, isang booster M14 at Dalawang magazine na may limang bala at sari saring drug paraphernalia.


Nakuha din sa condo unit ang mga laboratory apparatus, mga chemical at sari-saring wala pang laman na ecstasy capsules.

Arestado rin sina Dian Malayo, Belinda Morrison,Mitchell custorio, Ymannuel Orfelia Parada at Pancrasio Masinsin Parada na nasa loob ng condo unit nang isagawa ang raid kaninang madaling araw.

Tinangka pa ng tiyuhin at pinsan niya na sina Engr. Felisimo Aguilar at Daniel Capaje na suhulan ng isang milyong piso ang mga operatiba ng PDEA SES. Bitbit at dala pa nila ito sa PDEA NHQ kung kayat kasamang kakasuhan ang mga ito.

Facebook Comments