Fil-Am na tatay, 3 anak kabilang sa mga nasawi sa nagliyab na bangka sa California

563
Image via giveinkind

Kasama ang isang Filipino-American na tatay at tatlo niyang mga anak sa 34 na namatay sa nasunog na bangka malapit sa Santa Cruz Island, California nitong American Kabor Day, Setyembre 2.

Kinilala ng isang kaanak ang biktimang si Michael Quitasol at mga anak na babae nitong sina Evan, Nicole at Angela.


Kabilang din ang asawa ni Michael at stepmother ng kanyang mga anak na si Fern sa lulan ng Concepcion, 75-foot boat na may alok na scuba diving experience.

Biyaheng Channel Islands sakay ang 39 katao nitong Sabado ang bangka na magliyab bandang alas-3 ng madaling araw, Lunes.

Nakaligtas ang limang crew na nasa pinakataas na palapag ng bangka, habang natutulog ang mga pasahero sa ibaba.

Idineklarang nang patay ng US Coast Guard ang 34 katao at itinigil na rin ang search and rescue operations, Martes ng umaga.

Isang Give InKind ang ginawa para sa pamilya na nakalikom na ng $32,505 sa $50,000 na target.

Facebook Comments

From Advertisers