Binata, nagpakamatay matapos umanong pilitin ng nobya

Nauwi sa trahedya ang isa sanang masayang selebrasyon ng graduation day ng isang binata matapos itong magpakamatay  sa Boston, United States.

Ayon sa report ni District Attorney Rachael Rollins, ang suspek na si Inyoung You, 21, ay paulit-ulit na inabuso ang biktimang si Alexander Urtula, psychologically at physically noong ika-18 na buwan ng kanilang relasyon.

Nagkaroon umano ng 75,000 na palitan ng mensahe ang dalawa, dalawang buwan bago magsuicide ang binata.


Batay sa mga nakalap na impormasyon, ilan sa mga mensahe ni You sa nobyo ay, “go die” at “go kill yourself”, na sinasabing nagpalala ng depresyon ni Urtula.

Pagtalon mula sa isang parking garage ang naging paraan ng pagpapakatiwakal ng binata noong May 20, dalawang oras bago sumapit ang graduation nito, kung saan nasa byahe ang kanyang pamilya papunta sa Boston.

Sa pahayag na idinagdag ni Rollins, sinabi nitong nagbukod raw ang dalawa at nahanap lamang ng pamilya at kaibigan ang lokasyon nila sa pamamagitan ng cellphone.

Sa anunsyo naman ng Suffolk County prosecutors, humaharap sa kasong ‘involuntary manslaughter’ si You.

Nasa South Korea raw ang suspek ngunit pababalikin umano sa Amerika kapag hindi ito boluntaryong sumuko sa pulisya.

Sabi ni Rollins, “This case is a tragedy but it’s just one example of a systemic epidemic [of domestic violence].”

“Domestic violence may not look the same [in every instance] but it is always about power and control,” dagdag pa niya.

Nagpapadala rin umano ng mga threats ng pananakit sa sarili si You sakaling hindi nito gawin ang suicide, at para imanipula umano ang nobyo.

Samantala, kilala raw si Urtula bilang ‘gifted student’ ng Boston College dahil sumasali raw ito sa mga groupo gaya ng Philippine Society sa kanilang paaralan.

Labis na pangungulila ang naramdaman ng pamilya ng biktima dahil hindi man lamang nila naabutang buhay si Urtula.

Facebook Comments