Fil-Am, patay sa pamamaril sa California

183
COURTESY: BALITANG AMERICA on YouTube

Patay ang isang Filipino-American matapos paulanan ng bala ang sasakyang minamaneho sa freeway sa Milpitas, California, USA.

Kinilala ang biktima na si Matthew Rios, 33-anyos, na natagpuang may tama ng bala sa loob ng kaniyang Toyota Camry.


Ayon sa ina ni Rios na si Madonna Simmons, pauwi na sana ang biktima mula sa trabaho habang nakikipag-usap sa kanyang nobya nang mapansin nitong may sumusunod sa kaniya.

Patuloy naman ang imbestigasyon ng awtoridad sa California.

Facebook Comments

From Advertisers