Fil-American vlogger Wil Dasovich – kinumpirmang may cancer

Showbiz – Dasal at pampalakas-loob ang mensahe ngayon ng mga kaibigan at fans ng Fil-American ‘vlogger’ at dating PBB: Lucky 7 housemate na si Wil Dasovich matapos niyang aminin na mayroon siyang cancer.

Kinumpirma ni Wil ang tungkol sa kanyang sakit sa pamamagitan ng inilabas niyang “most important vlog”.

Mahirap man daw tanggapin, pero sabi ni Wil, hindi nito mapipigilan ang kanyang sarili na patuloy lang na mag-enjoy at gawin ang mga bagay na nakapagpapasaya sa kanya.


Nagpasalamat naman si Wil sa lahat ng nagpakita ng suporta sa kanya.

Nasa U.S. ngayon si Wil para sumailalim sa mga pagsusuri matapos na makaranas ng internal bleeding.

Facebook Comments