Fil-Austrilian beauty na si Karen Gallman, kinoronahang Miss Intercontinental

Manila, Philippines – Kinoronahan bilang miss intercontinental si Karen Gallman, ang kauna-unahang pinay na nagwagi sa patimpalak.

Ginanap ang coronation night sa lungsod ng Pasay kung saan nagningning ang ganda ni gallman sa mahigit 80 beauties na kalahok din sa beauty pageant.

Ang 25-year old Fil-Australian Beauty ay konoronahan ni outgoing titleholder veronica salas ng Mexico.


Samantala, first runner-up naman ang pambato ng Costa Rica na si Adriana Alvarado habang second runner-up si Laura Longauerova ng Slovak Republic.

Bagamat ang Japan ang host country sa patimpalak ay sa Pilipinas pa rin ito ginanap.

Kinailangan kasing maghanap ang mga organizers ng ibang venue bunsod ng paghahanda ng Japan para sa 2020 olympic games.

Facebook Comments