Fil-German Christian Standhardinger, ikinatuwa ang pagsulpot ni Calvin Abueva sa practice ng Gilas Pilipinas

Sports – Ikinatuwa ng Fil-German na si Christian Standhardinger ang pagsipot ni Calvin Abueva sa practice ng Gilas Pilipinas kahapon sa Meralco gym.

Ayon sa naturalized player na si Standhardinger, siguradong magiging palaban ang national team sa FIBA Asia Cup dahil may pagkakapareho sila ng ugali ni Abueva pagdating sa playing court.

Kanila na din kinalimutan ang nangyaring komosyon noong tune-up game ng Gilas kontra Alaska kung saan magkasundo na sila ngayon.


Matatandaan na binigyan ng ultimatum ni Coach Chot Reyes si Abueva matapos na hindi naka-attend ng ilang practice session dahil sa problema nito sa pamilya.

Maging ang management ng alaska ay naiintindihan ang pinagdadaanan ni Abueva pero hindi na nila ito tatanungin pa subalit may kaukulang parusa ang hindi nito paglaro sa pagkatalo nila sa Star Hotshots noong nakaraang.

Facebook Comments