Manila, Philippines – Maaari nang maghain sa Setyembre 23 hanggang 30, 2017 ng Certificate of Candidacy ang mga nais tumakbo sa Barangay at Sangguniang Kabataan (SK) elections.
Sa resolution no. 10196 na pirmado ng pitong miyembro ng Commission on Election En Banc, tatanggapin ang COC kahit araw ng sabado at linggo simula alas 8:00 ng umaga hanggang alas 5:00 ng hapon.
Kinakailangan din na personal na ihain ng kandidato ang COC o kaya’y ng kanyang kinatawan pero dapat ay mayroon itong letter of authority na nilagdaan ng isang kandidato.
Hindi tatanggap ang COMELEC ng COC na isinumite sa pamamagitan ng snail mail, electronic mail o di kaya ay ipinadala sa facsimile.
Wala namang filing fee na sisingilin sa paghahain ng COC.
Ang mga appointed official sa gobyerno, kabilang na ang mga aktibong miyembro ng AFP at iyong mga nasa gov’t-owned and controlled corporation ay ikukunsidera nang nagbitiw sa pwesto kapag naghain ng COC.