FILING NG CERTIFICATE OF CANDIDACY PARA SA BSKE SA PANGASINAN PAYAPA AYON SA PNP

Pangkalahatang naging mapayapa ang naganap na filing ng Certificate of Candidacy para sa magaganap na Barangay and SK Elections sa buwan ng Oktubre sa lalawigan ng Pangasinan.
Sa naging panayam ng IFM Dagupan kay Pangasinan PNP Public Information Officer Police Captain Renan Dela Cruz, walang naitalang anumang Untoward Incidents na naitala ang PNP na may kaugnayan sa naganap na filing ng COC.
Samantala, kasabay ng pag uumpisa ng COC Filing ay ang pag uumpisa ng Gun Ban kung saan ay sinabi ni Dela Cruz na wala pa naman nahuli na lumalabag dito sa buong Pangasinan bagamat may mga nag surrender na ng mga baril sa mga himpilan ng PNP.

Sa ngayon ay wala pa din namang humihiling ng mga escort o permit to carry firearm sa mga kandidato sa buong Pangasinan para sa Barangay Elections sa Oktubre. |ifmnews
Facebook Comments