Filing ng Income Tax Return na deadline ngayong araw, pwedeng gawin online

Pinayuhan ng Bureau of Internal Revenue (BIR) ang publiko na maghain na ng Income Tax Return (ITRs) alinsunod sa itinakda nitong deadline ngayong araw (June 15).

Ayon kay BIR Deputy Commissioner Arnel Guballa, pwedeng gamitin ang Electronic Filing ng ITR gamit ang eBIR forms at magbayad ng buwis gamit ang epayment facilities.

Ang orihinal na deadline ng filing ng ITRs ay nitong April 15, 2020, pero ini-urong ito ng hanggang June 15, 2020 dahil sa COVID-19 pandemic.


Para sa karagdagang impormasyon bisitahin lamang ang official facebook page ng BIR https://www.facebook.com/birgovph/.

Facebook Comments