FILING | QCPD, nag-deploy na ng mga pulis sa Comelec compound

Nag-deploy na rin ng mga pulis ang QCPD sa tanggapan ng Comelec sa Quezon City para magpanatili ng seguridad kasabay ng pagsisimula ngayong araw ng paghahain ng Certificates of Candidacy (COC) para sa May 13, 2019 local at national elections.

Nasa dalawampung police galing ng Police Station 4 ang nakakalat sa ground area at sa ikalimang palapag ng bagong Comelec building kung saan magfa-file ng COCs.

Nakakalat na rin ang mga miyembro ng district public ordinance and safety unit para magmando sa daloy ng trapiko.


As of 9 A.M si 6th district councilor Donato Matias ang kauna-unahan pa lamang na nag-file ng kandidatura. Ito na ang huling term ni Matias na tumatakbo sa ilalim ng Serbisyo ng Bayan party.

Habang 10:30 A.M naman inaasahan na dadating si Vice Mayor Joy Belmonte na matunog na tatakbong mayor ng Quezon City.

Facebook Comments