Makati – Arestado ang isang babaeng pinaghihinalaang illegal recruiter ng mga operatiba ng CIDG kaninang alas 11 ng umaga sa kaniyang inuupahang unit sa room 2119, Jazz Residence, N. Garcia St, Bel Air, Makati City.
Kinilala ang suspek na si Jinelyn R. Betacura, Filipina-Korean national, may asawa, 31 taong gulang, tubong Salvador, Lanao Del Norte.
Ang entrapment operations ay ikinasa ng CIDG matapos makatanggap ng reklamo mula sa tatlong mga biktima ng suspek na hinikayat na magtrabaho umano sa Inchon, South Korea bilang mga factory workers.
Ayon sa mga biktima sila ay pinangakuan ng suspek ng trabaho sa Korea na may mataas na sahod na aabot umano sa 150k to 200k kada buwan.
Nanghingi umano ang suspek ng perang nagkakahalaga mula 45k to 260k mula tatlong biktima para umano sa agarang pagproceso ng kanila biyahe papuntang korea.
Sa inisyal na imbestigasyon, ang suspek ay Pilipina at citizen din ng south korea. Halos lahat ng kaniyang biktima ay pawang taga Lanao Del Norte at iba pang lalawigan sa Mindanao.
Kasong iligal recruitment in the large scale at estafa ang kakaharapin ng suspek.