Filipinas, tinambakan ng Australia sa AFC Women’s qualifiers

Inilampaso ng Australia ang Philippine Women’s Football Team sa kanilang paghaharap sa AFC Women’s Olympic Qualifying Tournament.

Nagtapos sa score na 8-0 ang laban sa pagitan ng Filipinas at ng powerhouse na Australia na ginanap sa Optus Stadium.

Pinatunayan ng Matildas na karapat-dapat sila para sa No. 11 world rankings sa tulong nina Sam Kerr at Caitlin Foord.


Hindi rin kasi naging sapat ang depensa ng Pilipinas laban sa Australia na nangibabaw sa ball handling at fluid passing.

Dahil dito, nanganganib ang Filipinas dahil tanging ang top team at best second ranking lamang ng bawat grupo ang pasok sa susunod na round.

Sunod na makakalaban ng Filipinas ang Iran sa Miyerkules, November 1 para tapusin ang kampanya ng Olympic Qualifying Tournament sa Group A.

Facebook Comments