Filipinas Women’s Football team, kinilala at pinuri sa Senado

Kinilala at pinuri ng Senado ang mga kinatawan ng Filipinas Women’s Football Team para sa makasaysayang panalo nito laban sa host country ng FIFA Women’s World Cup 2023 na New Zealand.

In-adopt ng mga senador ang Senate Resolution 715 na nagpapahayag ng pagbati at papuri ng Senado sa Philippine Women’s National Football Team dahil sa phenomenal at historic performance sa FIFA 2023.

Dumalo sa sesyon ngayong hapon sa Senado ang mga miyembro ng Filipinas team at personal na nagbigay ng kanilang pagkilala at papuri ang mga mambabatas lalo’t ang Women’s World Cup ang kauna-unahang debut ng bansa sa FIFA Football Competition.


Ibinahagi ni Senator Pia Cayetano, ang head ng delegasyon ng Pilipinas, ang kanilang naging karanasan sa loob ng Wellington Regional Stadium kung saan ang makasaysayang unang goal ng bansa ay nagbigay ng lubos na kasiyahan at karangalan sa mga Pilipino.

Aniya, kahit kakaunti lang ang mga Pilipino na nasa stadium ay hindi nagpatinag ang mga kababayan na marinig ng ibang mga lahi roon ang sigaw ng suporta at kasiyahan ng bansa sa nakamit na tagumpay.

Binanggit din sa sponsorship speech ng senadora ang historical na first goal ni Sarina Bolden at ang solid defense ni Olivia McDaniel na nagpanalo sa atin laban sa New Zealand.

Sinabi pa ni Cayetano na kahit natalo na ang bansa sa sumunod na laban nito sa Norway ay naging masaya pa rin sa huli ang ating koponan dahil sa overall great experience ng Filipinas team na naghatid ng karangalan at joy and pride sa ating bansa.

Facebook Comments