Filipino-American sprinter Kristina Knott, nagtapos sa ikalawang pwesto sa sa Clyde Littlefield Texas Relays

Nagtapos sa ikalawang puwesto ang Filipino-American sprinter na si Kristina Knott sa 100-meter event sa Clyde Littlefield Relays sa Austin, Texas.

Si Knott ay nakapagtala ng 11.54 seconds record habang si Kiara Parker na nakuha ang kampeonato ay mayroong 11.20 seconds.

Lalahok naman si Knott sa limang torneo bilang qualifiers sa Tokyo Olympics.


Umaasa itong makapag-qualify ng 200 meters na mayroong 22.80 seconds.

Hawak kasi nito ang record sa bansa na 23.01 seconds noong 2019 Southeast Asian Games.

Facebook Comments