Hinimok ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., ang Filipino Americans sa Estados Unidos na hikayatin ang kanilang mga anak at apo na bumisita sa Pilipinas upang makita mismo ang kultura at history ng Pilipinas.
Ginawa ng pangulo ang pahayag na ito sa harap ng Filipino Community sa Washington D.C., United States of America.
Ayon sa pangulo, sigurado siyang ang una at pangalawang henerasyon ng Filipino- Americans ay mas magiging masaya kung matutunan at magiging proud sa Pilipinas.
Kaugnay nito, nagpasalamat rin ang pangulo sa Overseas Filipino Workers (OFW) dahil sa mahalagang kontribusyon para sa pag-angat ng ekonomiya sa pamamagitan ng kanilang remittances.
Sinabi ng pangulo noong pandemya, ang bumuhay talaga sa ekonomiya ng Pilipinas ay ang mga OFW, kaya lubos itong nagpasalamat sa OFW.
Nagpaabot din ng pasasalamat ang pangulo kay US President Joe Biden sa kanilang bilateral talks sa patuloy na pagtanggap sa mga Pilipino para makapagtrabaho sa Amerika.
Sa ngayon, pagtitiyak ng presidente sa OFWs na ipagpapatuloy lamang ng gobyerno ang pagbibigay ng quality jobs sa mga Pilipino upang darating ang panahon na wala ng Pilipino ang mangingibang bansa dahil wala nang choice.