Pinagtuunan ng pansin ang Filipino Brand of Service Excellence (FBSE) sa isang tourism seminar na isinagawa ng Department of Tourism (DOT) Region 1 sa Lingayen noong Enero 14, 2026.
Tinalakay sa seminar ang mga pangunahing prinsipyo ng FBSE, kabilang ang pagpapahalaga sa pagiging “Maka-Diyos, Maka-Tao, Maka-Bayan, at Maka-Kalikasan” bilang gabay sa paghahatid ng kalidad at makataong serbisyo sa sektor ng turismo.
Binigyang-diin rin ang papel ng FBSE sa pagpapahusay ng karanasan ng mga bisita sa pamamagitan ng maayos, magalang, at tapat na serbisyo na sumasalamin sa likas na pagkamagiliw ng mga Pilipino.
Ayon sa lokal na pamahalaan ng Lingayen, layunin ng pakikiisa sa aktibidad na mapalakas ang kakayahan ng mga tourism frontliners upang mas maging handa sila sa pagharap sa mga bisita at sa patuloy na paglago ng lokal na industriya ng turismo.










