Filipino business leader, bumilib sa paraan ng pagbida ni PBBM sa Pilipinas sa pangalawang araw na partisipasyon nito sa World Economic Forum

Naging matagumpay ang ginawang pagbida o showcasing ng Pangulong Ferdinand Marcos Jr., sa Pilipinas sa pagdalo nito sa World Economic Forum sa Davos Switzerland.

Ito ay ayon kay Kevin Tan, isang negosyanteng Pilipino at Chief Executive Officer (CEO) ng Alliance Global Inc.

Ayon kay Tan, naniniwala siyang epektibo ang ginawang showcasing ng pangulo sa Pilipinas sa ginawang pagdalo sa unang araw ng World Economic Meeting sa Switzerland na aniya’y hudyat na ang Pilipinas ay bukas na muli sa pagnenegosyo at para ipakita sa buong mundo ang istorya ng Pilipinas na umaangat ang ekonomiya matapos ang pandemya.


Sinabi ni Tan, hindi lang bukas ang Pilipinas sa partnership sa ibang gobyerno sa halip maging sa mga private sectors para makapagdala nang mas maraming foreign invesments sa Pilipinas.

Si Tan ay kabilang sa delegasyon ng Pangulong Marcos na sumusuporta sa partisipasyon ng pangulo sa World Economic Forum.

Ang kanyang kompanya ay interesado sa turismo, real estate at mga alcoholic beverage na magbebenipisyo dahil ipinapakilala ng Pangulo sa buong mundo ang Pilipinas.

Facebook Comments