Filipino chief engineer na nagkaroon ng emergency medical condition habang sakay ng Liberian vessel sa Manila Bay, naisalba ng Philippine Coast Guard

Sinaklolohan ng Philippine Coast Guard (PCG) sa pamamagitan ng medical evacuation ang isang 36-year-old Filipino chief engineer na nakaranas ng chest pains at pagsusuka habang sakay ng Liberian-flagged bulk carrier na MV Kalliopi L.

Ang naturang barko ay nakadaong 2.8 nautical miles southwest sa Manila Bay nang magpasaklolo ang mga kasama sa barko ng Pinoy chief engineer.

Agad na sinundo ng BRP Malapascua (MRRV-4403) ang naturang Pinoy at agad itong tinulungan ng Coast Guard Medical Service at dinala sa pinakamalapit na pagamutan.


Makalipas ang ilang oras ay idineklara nang ligtas ang Pinoy chief engineer.

Tiniyak naman ng PCG na mahigpit na nasunod ang health at safety protocols nang isagawa nila ang medical evacuation.

Facebook Comments