Tumutulong na rin ang Filipino community leaders sa pagbibigay ng impormasyon sa Philippine Embassy sa Israel hinggil sa ilang Pilipinong unaccounted doon.
Sa harap ito ng matinding bakbakan ngayon sa pagitan ng Israel at Hamas militant group.
Ayon kay Lourdes Levi, caregiver at isa sa Filipino community leaders sa Israel, may group chat na sila ng Philippine Embassy para mapabilis ang pagbibigay ng update sa mga nasugatang Pinoy at sa mga nawawala lalo na ang sinasabing dinukot ng Hamas.
Sa kabila ng matinding sagupaan, tiniyak naman ni Levi na hindi siya uuwi ng Pilipinas.
Pinapayuhan naman ang Pinoy caregivers sa Israel na manatili na muna sa tahanan ng kanilang employers.
Facebook Comments