Filipino community, may paalala sa mga Pinoy na papasok sa Japan

Nagpaalala ang Filipino community sa Japan sa mga Pilipinong papasok doon.

Sa harap ito ng mahigpit pa ring protocol na pinaiiral sa Japan dahil sa pagtaas na naman ng kaso ng COVID-19 doon.

Kasabay ito ng flu season sa Japan ngayong winter kung saan tumataas din ang kaso ng COVID-19.


Ayon sa Filipino community leaders sa Japan, mahigpit pa ring requirement sa Japan ang RT-PCR test result sa mga walang booster shot.

Wala namang quarantine requirement sa mga walang booster dose na papasok sa nasabing bansa.

Facebook Comments