Filipino community sa Doha, Qatar – mainit na tinanggap ang Philippine Azkals

Qatar – Isang salu-salo ang inihanda ng Filipino community sa Doha, Qatar bilang pagpapakita ng kanilang suporta sa nalalapit na Asian Cup Qualifying Game ng Philippine Azkals laban sa Yemen sa Martes.

Ayon sa mga kababayan natin sa Doha, namiss nila ang mga Azkals na huling naglaro sa Qatar sa World Cup Qualifier noong nakaraang taon. Kalaban din nila ang Yemen noong 2016 at nanalo ang koponan.

Sa kasaysayan ng Philippine Azkals hindi pa sila natatalo kapag sila ay nasa Qatar.


Bilang tugon, kinilala naman ni Azkals Team Manager Dan Palami ang mga OFW sa Qatar bilang tunay na mga bayani dahil sa kanilang sakripisyo at pagtitiis na mapalayo sa kanilang mga mahal sa buhay para mabigyan sila ng magandang kinabukasan sa Pilipinas.

Sabi pa ni Palami, isa ang bansang Qatar kung saan parang naglalaro sa home pitch ang Azkals dahil na rin sa dami ng mga Pinoy at sa mainit nilang suporta sa koponan.

Facebook Comments