
Inalerto ng Philippine Embassy sa Denmark ang Filipino community sa Greenland kaugnay ng planong pag-takeover ng Amerika.
Gayunman, sinabi ng embahada na sa ngayon, walang dapat ikaalarma ang mga Pilipino sa Greenland.
Tiniyak din ng Philippine Embassy na naghahanda sila sakaling lumala ang tensyon sa nasabing bansa.
Pinapayuhan naman ang mga Pinoy sa Greenland na manatiling mapagmatyag at mag-antabay sa mga anunsyo ng mga kinauukulan.
Hinihimok din ng Philippine Embassy ang Pilipino sa Greenland na magbigay sa kanila ng contact numbers at lokasyon.
Una nang nagbanta ang Amerika na kokontrolin nito ang Denmark.
Facebook Comments










