Inanunsyo ng Filipino community sa Hong Kong na simula ngayong araw, February 6, ay inalis na ang requirement na kailangang “fully-vaccinated” ang mga biyaherong papasok sa Hong Kong.
Nangangahulugan ito na kahit saang bansa manggaling ang isang traveler ay hindi na kailangan na sila ay bakunado kontra COVID-19.
Ito ay bilang bahagi ng pagluluwag ng travel restrictions ng Horng Kong.
Magugunitang ilang taon na nagpatupad ng paghihigpit ang Hong Kong sa kasagsagan ng pandemya at bunga ng paulit-ulit na COVID-19 surge doon.
Facebook Comments