Kinumpirma ng Filipino community sa Hong Kong na tinaasan na ang buwanang sahod at food allowance ng foreign domestic workers doon.
Sakop nito ang mga Filipino, Indonesians, Nepalese at Thailander domestic workers sa Hong Kong.
2.2 percent o 100-Hong Kong dollars ang itinaas sa buwanang sahod ng foreign domestic workers doon.
Bunga nito, mula sa $4,630 ay magiging $4,730 na ang sweldo kada buwan ng lahat ng domestic workers sa Hong Kong.
Tinaasan din ng $23 ang kanilang food allowance kaya mula sa $1,173 ay magiging $1,196 na ang kanilang buwanang food allowance.
Una nang lumahok ang Filipino domestic workers sa demonstrasyon ng foreign domestic workers sa Hong Kong para ihirit ang dagdag na sweldo at food allowance.
Facebook Comments