Filipino community sa Israel, tinutunton ng Philippine Embassy sa harap ng palitan ng rocket strikes ng Tel Aviv at Lebanon

Nakikipag-ugnayan na ang Philippine Embassy sa Tel Aviv sa Filipino community leaders sa Israel.

Layon nito na alamin kung may mga Pinoy na nadamay sa palitan ng rocket strikes ng Israel at ng Hezbollah group ng Lebanon.

Partikular na tinutunton ng embahada ang Filipino community sa Northern Israel.


Muli namang nagpaalala ang Philippine Embassy sa mga Pinoy roon na mag-ingat at unahin ang kanilang kaligtasan.

Sa ngayon, wala naman anilang Pilipinong nasaktan sa pagpapalitan ng rocket ng Israel at Lebanon.

Facebook Comments