Tuloy-tuloy ang ginagawang pakikipag-ugnayan ng Department of Foreign Affairs (DFA) sa mga Pilipino na nasa bansang Ukraine.
Ito’y upang malaman ang kanilang sitwasyon at matukoy na rin kung sino ang nais na sumailalim sa repatriation.
Nabatid na nasa 181 Pilipino ang nakausap ng DFA kung saan prayoridad nila na ligtas ma mailikas ang mga ito kasunod ng ginawang pagsalakay ng Russia sa Ukraine.
Matatandaan na nasa 6 na Pilipino na ang napauwi ng DFA habang anumang oras ngayong araw ay inaasahan pa na darating ang apat nating kababayan na galing ng Kyiv.
Pinpayuhan naman ng DFA ang ibang mga Pinoy na nasa Ukraine na huwag mag-panic at kung nais na makauwi ng Pilipinas ay kailangan lang na makipag-ugnayam sa Consulate General sa Kyiv at Philippine Embassy sa Warsaw.