Filipino Domestic Workers sa Hong Kong, muling sumama sa pangangalampag para sa kanilang dagdag na sweldo

Muling nagsagawa ng demonstrasyon ang Migrant Domestic Workers (MDWs) sa Hong Kong para sa kanilang hirit na dagdag na sahod at allowance

Sumama rin sa demonstrasyon ang Filipino domestic workers kasama ang Indonesians, Nepalese at Thais.

Hinihiling nila na gawing in HK$6,014 ang kanilang buwanang sweldo at food allowance na HK$3,023.


Nais din ng migrant domestic workers sa Hong Kong na bawasan ang oras ng kanilang pagtatrabaho.

Sa kasagsagan kasi ng pandemic ay humaba ang oras ng kanilang trabaho pero hindi binabayaran ang kanilang overtime.

Facebook Comments