Inihain ni Negros Occidental Rep. Jose Francisco Benitez ang House Bill 9939 o panukalang nagbabawal na lagyan ng Filipino dubbing ang mga English movies at television programs at sa halip ay lagyan na lang ng Filipino subtitle.
Layunin ng panukala ni Benitez na matulungan ang mga Pilipino na matuto ng english language upang ito ang ating maging ikalawang wika.
Tugon ang panukala ni Benitez sa pagkabahala ng business groups na mawala ang kaalaman o bentahe ng mga Pilipino sa pagsasalita ng english.
Tinukoy rin ni Benitez na malaki ang papel ng english proficiency sa paglago ng business process outsourcing industry na syang dahilan ng pagkilala sa Pilipinas bilang ‘call center capital of the world.’
Kaugnay nito ay hinihikayat din ni Benitez ang mass media na tumulong para maging magaling sa pagsasalita ng english ang mga bata.