Wagi sa kauna-unahang World Championship sa Chess ang Filipino Fide Master na si Sander Severino.
Ito ay matapos talunin ni Severino si Igor Yarmonov (yar-mo-nob) ng Ukraine para makuha ang International Physically Disabled Chess Association (IPCA) Online World Championship.
Nagpasalamat naman si Severino sa lahat ng sumuporta sa kaniya at hiniling na sana’y maging inspirasyon ang kaniyang panalo sa mga atletang may kapansanan.
Nagkamit ng maraming gold medals si Severino noong Asian at Asean Paragames, habang itinanghal naman sa ikalawang pwesto sa Native Fide Online Championship for Players with Disabilities.
Facebook Comments