Filipino first budget, isinulong ng liderato ng Kamara sa bicam para sa proposed 2025 national budget

Isinulong ni Speaker Ferdinand Martin Romualdez sa bicameral conference committee ang pagpapatibay ng 2025 national budget na inuuna ang kapakanan at pangangailangan ng mga Pilipino.

Sabi ni Speaker Romualdez, maaaring magkaiba ang paraan ng dalawang kapulungan ng kongreso subalit dapat magkapareho ang mithiin nito na mapabuti ang kalagayan ng mga Pilipino.

Nagbigay ng mensahe ni Speaker Romualdez sa unang pagpupulong ng bicam na siyang babalangkas ng pinag-isang bersyon ng 2025 national budget ng Senado at Kamara.


Facebook Comments