Filipino household service workers, posible nang i-deploy sa UAE ngayong buwan

Maaaring i-deploy na simula ngayong buwan ang mga Filipino household service workers sa United Arab Emirates (UAE).

Matatandaang nagkasundo ang Pilipinas at UAE na ituloy ang deployment ng HSWs sa arab country.

Ayon kay Philippine Overseas Employment Administration (POEA) Administrator Bernard Olalia, magsasagawa ng verification process ang labor attaché habang sila ay nakatutok sa accreditation process.


Kapag natapos ang mga proseso, maglalabas ang POEA ng Overseas Employment Certification (OEC) para sa deployment ng HSWs, na sinuspinde mula nitong 2014.

Samantala, pinalawig din ng Department of Labor and Employment (DOLE) ang pananatili ng mga overseas Filipino workers na expired contracts sa South Korea.

Nakikipag-ugnayan ang DOLE sa South Korean government para sa muling pagpapadala ng mga Pilipinong manggagawa doon.

Facebook Comments