Tuluyan nang umatras sa huling qualification tournament para sa 2022 Winter Olympics sa Beijing, China ang Filipino figure skater na si Michael Christian Martinez.
Ayon sa Philippine Skating Union (PHSU), nagkaroon ng pabalik-balik na injury si Martinez kaya hindi na ito lumahok sa Nebelhorn Trophy na gaganapin sa Germany.
Papalitan siya nina Sofia Frank at Edrian Celestino bilang representative ng Pilipinas sa nasabing qualifying tournament.
Si Martines ay ang kauna-unahang Southeast Asian figure skater.
Dinala niya ang pangalan ng Pilipinas sa 2014 Sochi Winter Olympics at sa 2018 PyeongChang Winter Games.
Kamakailan lamang nang maglunsad si Martinez ng GoFundMe page para makalikom ng $50,000 o katumbas ng mahigit P2.5 million para suportahan ang kanyang qualifying campaign para sa 2022 Beijing Winter Olympics.