Nanalo ang isang Filipino janitor na si Vito Halasan, 58 taong gulang, ng $7 na milyon sa lotto 6/49 sa Surrey, Canada.
Ayon sa kumpirmasyon ng British Columbia Lottery Corporation (BCLC), sakto lahat ang anim na numero na tinaya ni Halasan.
Hindi makapaniwala si Halasan at sinabing lagi raw talaga siyang tumataya ng lotto upang manalo.
Kakagunita pa lamang ni Halasan ng kaniyang kaarawan nitong Abril 27.
Mayroon siyang tatlong anak at apat na apo.
Facebook Comments